Previous Page of 31Next Page

Our Real Love by A.B.Castueras THE START

spinner.gif

 

 

Our Real Love

By. A.B. Castueras

 

 


“Oo na, mali na ako! Lahat sila nagsasabing mali ako pero isa lang ang alam kong tama at ikaw yun, dahil totoong mahal kita!”

Adeline Reese G. Smith

 

“Sinugal ko ng lahat sa buhay ko, pero isa lang ang hinding-hindi ko isusugal ngayon… at Ikaw yun.”

Jarret Silva

 

“Binigay na nilang lahat ang dahilan para mabuhay ako, pero isang dahilan lang ang alam kong kailangan ko ngayon, ikaw lang.”

James Martinez

 

 

SYNOPSIS

Adeline Reese G. Smith

 

Rich, talented, smart and well-loved, ilan lang sa mga bagay na mayroon ang isang Adeline Reese Smith. Tunay ngang, wala na siyang mahihiling pa. Alam niyang may pamilya siyang laging nandiyan sa tabi niya tuwing kailangan niya. Starting from her parents, grandparents and close relatives, lahat sila ay nakapalibot sa kanya. Knowing the story of their family, she knows na hindi na niya kailangang hingin pa ang pagmamahal sa mga ito. They give her the right amount of love for a one and only her.

 

But what if one day, hingin niya ang pagmamahal na alam niyang magiging kulang sa buhay niya?

 

How much can she sacrifice to gain everything that she wants for what she calls, her Real Love

 

Jarret Silva

He breathes his first life on earth without anything. Hindi niya maituturing na nawalan siya dahil simula pa noon ay wala na siyang kahit anong panghahawakan sa buhay niya. He received everything once, pero tinalikuran niyang lahat. His strong personalities help him to survive the wrath in his life.

But can he admit to his self, na hindi niya kayang mag-isang harapin ang bukas ng wala siya?

How far will he run to stake everything in the name of Real Love…

 

James Martinez

Out from his silent but arrogant personality, hindi niya maitatago ang priceless smile sa kanyang mukha na kadalasang tago sa karamihan. Nabigyan siyang pagkakataon na magkaroon, at hindi niya ito sinayang. He knows a lot of hidden things from his surroundings but he chose to remain silent.  The personality to keep everything in silence makes him strong to survive the game of life.

But can he remain silent, kung ang puso na niya ang naghuhumiyaw para sa babaeng mahal niya?

How far this silence will take him before he realize that everything is not left unsaid for what he calls, his Real Love…

 

 

-=-=-=-

The start… 

I want to be a pilot… sabay naming aabutin ang pangarap naming singtaas ng himpapawid.

I want to be a sailor… tatawirin namin ang kahit anong dagat ng pagsubok.

I want to be a cook… magkasama naming lalasapin ang sarap ng aming buhay.

I want to be a comedian… patatawanin ang isa’t-isa sa kahit anong bagay.

I want to be a police officer… poprotektahan namin ang aming pagamahalan.

I want to be a teacher… tuturuan naming intindihin ang aming bawat pagkakamali.

I want to be everything… lahat ng sa’kin ay para sa kanya.

I want to be me… kanya lang at wala ng iba.

I want to be him… kami ay iisa… kahit saan, kahit kailan…

 

Sa huli… kahit anong nangyari… mangyayari… at hindi pa nangyayari… mananatili pa ring buhay ang Our Real Love.

By. Adeline Reese G. Smith

 

 

CHAPTER 1: What a START…

 

 

ADELINE’S POV

 

Happy birthday to you…

Happy birthday to you…

Happy birthday, Happy birthday…

Happy birthday Adeline...

 

“Tatay...”

“Happy birthday baby… Gising na.” saka ako kiniss sa forehead ko.

 

Nakahiga pa din ako. Kinukusot ko yung mata ko.

Inaantok pa kasi talaga ako, hindi alam nila nanay at tatay na di ako natulog ng maaga. Eh pagagalitan nila ako eh.

 

“Nandito na ang cake!!!”

Sabay bukas ng pintuan.

“WOW!!!” Napabangon ako sa kama ko.

 

Lumapit naman si nanay habang dala-dala yung malaking pink cake na 3 layers. Maraming iba’t-ibang flowers sa gilid at may miniature na princess sa taas!

Previous Page of 31Next Page

Comments & Reviews (568)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Our Real Love by A.B.Castueras THE START

Who's Reading

Recommended