chapter 39

17.3K 46 5
                                    

Nakapikit si Elmo habang nakangiti ng pagkalawak. Ini-imagine nya yung magiging scene mamaya. Christmas party kasi ng kompanya nila Julie at pwedeng magdala ng isang kasama. Niyaya nya si Elmo, sinabi nynag hindi sya sigurado kung makakapunta. Pero alam na man yang pwede sya sa araw na yun. He just wanna surprise her.

Iniisip nya yung scene sa Korean movie na ‘My Sassy Girl’. Yung nagpia-piano yung babae tapos dadating yung lalaki at bibigyan sya ng roses in front of the large crowd. ‘Bwahahaha! Talo ko pa yung sweet daw dun sa book na binasa nmen’ isip ni Elmo sabay “BWAHAHAHA” tawa ng malakas.

Tingnan sya ng masama ng mga kasama “Iba na yan Bro a. Patingin ka na kaya” kumento ni Sef na nakakunot-noo.

He shook his head “Just happy” matamis na sabi nya.

“Who wouldn’t be?” masayang sabi ni Steven “Umpisa na ‘toooooooooo” sigaw nya na parang umungol na wolf.

Napansin kasi yung talent nila ng isang may ari ng record company. And balak silang i-handle nito kaya nmn tuwang tuwa ang banda. Coolest Christmas gift sabi nga nila.

“I drink to that” kuha ng alak ni Rocco “Kampai” sabay taas ng mga bote at cheers.

Elmo checked his watch. 7:30 “Guys. Una na ko”

“Huh?! Elmo celebration natin ‘to bakit aalis ka na?” takang sagot ni Sef.

“Hindi pwede” pigil ni Steven sa kanya at muli syang pina-upo “San ka ba pupunta at mas importante pa yan dito?”

Tumingin sya kay Rocco. Nanghihingi ng tulong. Rocco checked his watch “Maaga pa nmn. 30 minutes ride lang yun. 8 pa yung simula yung party right?” tumango si Elmo. “And hindi lang nmn sya yung magpe-perform, sabi mo pang 4 pa sya kasi lahat ng workers dun may participation. And for sure late mag-uumpisa yun” tumunga muna ng beer “Tawagan mo na lang sabihin mo i-txt ka kung umpisa na”

“Ano yun?” tanong ni Sef. Hindi kasi nila alam ang pinag-uusapan ng dalawa.

“Nothing you need to know “ he dialed Julie’s number “Labas muna ko. I’ll come back” paalam nya sa barkada.

*Phone Convo*

“Hello Moe” masayang bati ni Julie.

“Hello Babyyy”

“Are you coming?” excited na sabi nito. Hoping.

“I don’t think so I can go Babe. I’m sorry” sounding lonely. Pero nakangiti.

“Aaahhww” biglang lungkot ng boses nito.

Elmo can imagine Julie with her naniningkit na mata dahil sa lungkot and her red lips pouting. He smiled picturing it “I’m so sorry Julie baby” sounding apologetic “I really hope I can go. Siguro I will pa rin kung hindi pa tapos yung party and natapos na yung gig”

“Tsss” feeling so sad na hindi makakapunta si Elmo “It’s okay Moe, make sure that’s work” pagbabanta nya, pero biro lang nya yun to cheer him up ‘coz they both sound low.

Natawa nmn si Elmo dito, at the same time remembered that Hoe. He shook her head as if shaking the girl out of his head “It is”

“Okay, then I understand” pero malungkot pa rin ang boses.

“Cheer up Julie. Hwag nang malungkot” ayaw na ayaw nang naririnig na ganito ang boses ng dalaga. Para tuloy gusto nya nang sabihin ang totoo ‘Tiis tiis’ sabi sa sarili.

“Kasi nmn the song is for you, tapos wala ka” parang batang sabi nito, narinig nyang tumawa si Elmo sa kabilang linya “Unfair” sounding like a 3 year old kid na walang regalong nakuha nung birthday nito.

One Night Stand - UnfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon