Ikaw

31.1K 678 46
                                    

Natatandaan mo ba yung una nating pagkikita? I was sitting at the far-end corner dun sa may chapel nang bigla mo akong sinaluhan. You let just enough space between us rather you find another seat somewhere else. Kasisimula pa lang kasi ng misa nun kaya marami pang vacant. Among the options, napili mong umupo sa lugar ko, which surprised me internally. Hindi ko pinahalata or else baka magfreak-out ka't humanap ka ng ibang pwesto. Natuwa lang ako kasi from start till bandang hulihan ng misa andun ka pa rin sa pwesto mo. To you, this would not probably a big deal. But to a person like me na walang masyadong kumakausap at certified loner, it's something big. Something big to the point na nasulat ko tong kwento na to. 

I programmed myself at that time na hindi kita lilingunin kahit anong mangyari. Well to start with, hindi ko pa alam itsura mo nun. But from the corner of my eyes, I knew you know yourself, you wear yourself comfortably and it really showed. I was feeling it.

Kung hindi nga lang dahil sa presider ng mass nun na mahilig magstart ng homily by saying, " kalabitin nyo nga mga katabi nyo at sabihing, "Masaya akong nakasama kita." hindi sana ako mapapalingon sayo at makita ko kung gano ka kaamo. Naramdaman mo bang parang biglang nalaglag puso ko nung nagkatinginan tayo, nagkangitian habang palitan nating sinabing, "Masaya akong nakasama kita."? Hindi? Then good, mabilis kong dinampot ang nalaglag kong puso't isinalpak uli ito sa rib cage ko.

Wala sa lahi namin ang may heart attack. So ikaw lang ang sisisihin ko kapag nangyari sakin yan. Alam mo bang iyon ang unang beses na nginitian ako ng lalaki ? As in yung genuine na ngiti. Ngiting hindi mapagpanggap at hindi rin naman abot-tenga. Ngiting sakto lang upang mapangiti mo ako in return. Hindi kasi ako palangiting tao, thus I'm friendless. But within that less than an hour, I had a moment. I felt like I had a friend for the first time. Katabi ko pa ang shoulder bag ko nun na malabakal ang bigat at kalalabas ko lang sa major class ko nun. I was literally exhausted. And did you know  you're like Gatorade? You replenish my lost energy. 

I sound corny, cheesy or whatever. But just like that, I had a feeling I started to like you. Although nalungkot ako bandang huli kasi after the communion, nawala ka na sa lugar mo. I silently scanned you in the surroundings pero wala akong nakitang naka-Superman blue shirt, kulay brown ang buhok at nakasalamin. Wala. Meron ka sigurong klase nun at naisingit mo lang ang magsimba saglit dahil siguro, nahihiya kang lagpasan ang chapel ng hindi man lang pumapasok lalo na kung malayo pa naman ang oras mo for the next class. I thanked you for that. It just showed you fear God.

Pero sa laki ng campus at sa dami ng estudyante dito, malabo na kitang makita pa lalo na't wala sa hitsura mo ang maglagi sa quadrangle at wala sa sistema ko ang mang-istalk ng tao. Bumping into you for that day was enough, you made me feel less burdened, ultimo yung depression ko sa previous class ko, natanggal mo. Tama nga si Prof. Telan, smile is the universal language and the most powerful communicator of people's emotion.

But one week later, unexpectedly, you knocked on the door and interrupted the Filipino discussion I was in. Nagkatinginan tayo, but this time, mas matagal at naramdaman kong parehas tinanong ng ating mga mata ang ganito, " Dito ka rin pala?"

Your conversation with ma'am was so loud everyone couldn't help but to eavesdrop. Ang reason mo pala nun ay para magpa-advise para ma-take mo yung subject. Pinayagan ka naman ni ma'am ngunit alam kong kinailangan mong mag-put up sa mga sumunod nyang pangangaral. Naiba na naman kasi ang sitting arrangement which was actually kaka-rearrange lang bago magdiscussion.

You were seated in front of me. Mas nauna ang letra ng apelido mo kaysa sa akin e. Other than matangkad ka at nahaharangan mo ang field of vision ko, wala na akong maico-complain pa. Kaya ko namang ipihit leeg ko kaliwa't kanan to view the lecture. Tama na ring nasa unahan kita nang mapagmasdan pa lalo kita. Wag ka lang lilingon dahil baka magka-altapresyon ako. Yun ang nasasabi ko sa sarili sa tuwing nakapatong na ang siko mo sa sandalan ng upuan at waring mga ilang sandali ay mababaling na tingin mo sa iyong likuran. Alam kong walang nagbabawal sayong tumingin sa likuran. Pwede mong matignan ang lahat, iniiwas ko lang ang sarili ko dahil sa hiya. 

The RaritiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon