Previous Page of 2Next Page

SEDUCING MY EX-HUSBAND OPERATION ( EDITING)

Dedicated to
Inuzen
spinner.gif

 

“nasaktan ka ba?”nag-aalalang sabi ni Sophia, habang si alex nakaupo lang sa sala, at kumakain ng popcorn habang nanonood ng palabas, umaasta siyang parang walang nagyari.

“ayos lang ako. Gusto mo?”pag-aalok niya sa popcorn na kinakain niya si Sophia, nasa dating sariling bahay lang naman kasi nila sila ngayon nagpapalipas ng oras pagkatapos ng nagyari.

“no thanks..”sabi ni Sophia, tumayo siya at pumunta ng kusina kumuha rin siya ng kahit na anong makakain pero wala siyang nakita. Isang chocolate bar lang.

Sa 2 taon ba namang nakalipas na walang nakatira sa bahay na to, may pagkain pa kayang nakaimbak sa refrigerator?sigurado wala na. umalis narin kasi ang caretaker ng bahay nila dahil sa nagkasakit ang anak niya.

“buti na sayo pa ang susi ng bahay..”sabi ni alex, sabay kain na naman ng popcorn niya.

“aba’t nagsalita ang may walang susi ng bahay?!”kunot noong sabi ni Sophia.habang papauwi kasi sila, napansin niyang nakakabit sa car key ni alex ang susi ng dating bahay nila.

“baka kasi kailanganin ko.”tipid na sagot ni alex..”may mga damit pa ba akong naiwan dito?”

“aba malay ko!hindi ko naman pinapakialaman ang mga damit mo simula nung naghiwala—I mean sa simulat sapul pa..”

“you’re still the same Sophia..wala ka paring pakialam sa mga bagay na nakapaligid sayo.sige akyat na muna ako, maliligo lang ako.pagkatapos, ihahatid na kita sa bahay niyo..”tumayo si alex at pinatay niya ang tv pagkatapos ay pumanhik na at pumasok sa kwarto niya para maligo.

Naiwan naman si Sophia sa sala,”aish!reyna ka talaga ng katangahan Sophia..ayan tuloy!negative comment ang binigay sayo ni alex!kamusta naman yun?!”kinagat niya ang chocolate bar..pagkatapos ay nagtabon ng unan sa mukha at nagsisigaw siya. Sinisigurado niya naman na hindi to maririnig ni alex.

“kyaaaaaaaah!alex!!!!>.< hindi ko na alam ang gagawin ko sayooooooooooooo!”nawindang nalang siya nung tinanggal niya yung unan, at isang alex lang naman na topless ang nakita niyang nakatingin sakanya.

 

“ai anak ka naman ng nanay mo alex!bakit ka nandito?!!!akala ko ba maliligo ka na?!”natatarantang sabi ni Sophia..

“maliligo na nga!kaso bigla kitang narinig na sumigaw na parang kinakatay na baboy kaya dali-dali akong tumakbo dito.”

“kyaaah!alis ka ditooooooo!ang aking eyes!”sabay takip niya sa mga mata niya gamit ang unan, hindi niya man aminin sa sarili niya pero sobrang nakakainit ng katawang lupa naman talaga yung nakita niya.pawis na pawis na alex,at nakabalandra lang naman ang nagniningning niyang pandesal sa tiyan.basta halos hindi niya maipaliwanag kung gaano ka hot tignan ang lalaki sa harapan niya ngayon.

“!tsk.tsk!oo na!”sabi ni alex,pagkatapos ay bumalik na siya ng kwarto.

Tinanggal narin ni Sophia yung tabon niya sa mata, at napabitaw siya ng isang malalim na buntong hininga, tapos napakagat siya ng labi.

“OMO!i saw that!i saw that!YES!YES!YES!”sabay tumalon talon pa si Sophia sa sofa, at nagpapakasaya sa nakita niya.”SHEMAY!!bakit ngayon ko lang nadiscover na may ganun akong ka.hot na asawa!i mean dati!!YES!YES!”patuloy parin siya sa pagtalon na parang bata!

Pagkatapos nun, tinali niya ang buhok niya. At napaisip siya bigla ng kalokohan.

“wala naman sigurong masama kung maninilip ako diba?!hihi!”kung may babaeng manyak, si Sophia nay un.walang duda.

Dahan dahan siyang lumapit sa kwarto ni alex,at talagang nag-iingat siyang makapagbigay siya ng ingay at mapansin siya ng lalaking naliligo sa banyo.

Hinawakan niya ang door knob.

At napalunok ito.

 

“meghed!sophie!bubuksan mo ba o hindi?”nag-aalinlangan pa sana siya, pero sadyang malikot ang kamay niya kaya inopen niya nalang yung pintuan. First time niyang pumasok sa kwarto ni alex sa tanang buhay niya kaya hindi niya kaagad mahanap ang cr.malawak din kasi ang kwarto ni alex.

 

Pero nung nahanap niya na, tanging ang tubig na umaagos lamang mula sa shower ni alex ang maririnig at ang lakas ng pintig ng puso niya.

 

“chill Sophia!minsan kailangan mo ring maging curious sa mga bagay bagay!TAMA!”bulong niya sa sarili..

 

Pagkalapit niya dun sa cr..

Dahil medyo naaninag mo ang katawang ng isang tao sa loob nito.

Nakita niya si alex na nakatalikod mula sakanya.walang suot.

 

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (11)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Lee hyorias Sheryl
Song Joong Kias Alex
Hyorinas Saira
Kim Joonas Daze
lee jong sukas Carla
Xiao Xiaoas Lux
Lee geum heeas Violet
Yoon Boraas Sophia
Sehunas Senjo
Fuji Minaas Zyrene
Mason Moonas Dobi
Park Sarangas Dabi

Who's Reading

Recommended