Chapter 12

79.2K 1.1K 44
                                    

GEORGE

Gaya ng ibang mga babae, nangangarap rin ako ng magandang kasal.  Naalala ko noong bata ako palagi akong pinapagalitan ni Tital Imee dahil pinaglalaruan ko ang mga kurtina.  Pinapatong ko sa ulo ko para maging belo.  Naglalagay pa ako ng lipstick ni Tita Dorothy at haharap ako sa salamin.  Nag-iimagine pa ako ng gwapong groom na naghihintay sa akin sa altar.  Pagkatapos noon, papaluin ako ni Tita Imee dahil nadumihan ko ang mga kurtina.

Gusto kong ikasal sa simbahan.  Kahit maliit na simbahan lang, basta sa harapan ng pari.  Tapos naroon ang mga kaibigan at mga taong malalapit sa puso ko.  Pero ikakasal kami sa ibang bansa.  Gusto niya sa Las Vegas.  Sa totoo lang, ayoko ng ganoong kasal  parang madalian at hindi seryoso.  Napabuntong hininga na lang ako habang nagsusuklay ng buhok.  Nagpeprepare ako dahil dadaanan ako ni Pavlo.  Halos mag-iisang buwan matapos niyang sabihin na pupunta kami ng Las Vegas at doon ikakasal.  Akala ko noon matagal na proseso,pero madali lang pala.  He claimed na marami siyang kilala sa immigration.  Siya ang nag-plano ng lahat.  Sasakay daw kami kami ng private jet.  Maya-maya, may kumatok sa pinto ko.  Si Tita Dorothy.  Namumula ang mga mata niya.  Halatang nag-drama si Chang kagabi.  Tumingin siya at maluha-luha.

“Tita...”  Sa kanilang dalawa ni Tita Imee, sa kanya ako mas close.  Cool si Tita Dors.  Kakutsaba ko siya sa paglalagay ng make up noong bata ako.  Naalala ko, noong pagalitan at paluin ako ni Tita Imee, siya ang nagpapatahan sa akin—nakikiiyak din.  Mas masahol pa siyang umiyak kaysa sa akin.

“N-Nagustuhan mo ba ang binili kong dress?”  Tumango ako.  Binilhan niya ako ng dilaw na dress.  Ang totoo, ayoko ng dilaw.  Gusto ko ng pink.  Siya ang mahilig sa dilaw.

“Since maaga sumakabilang buhay ang kapatid namin, gusto ko sana ako ang magbigay ng lecture sa’yo about the birds and the bees.  Pero limited lang ang alam ko dyan.  Siguro itanong mo na lang kay Imee.”  Natawa ako sa sinabi niya pero tumango na lang ako.

“Hindi ko rin malaman kung bakit birds and the bees ang tawag dun sa Ingles, siguro dahil sa birds…”  Kahit napatawa ng bahagya si tita.  Kahi ngumingiti siya, nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.  Kinuha niya ang suklay at pinaupo ako sa harap ng dresser.  Noong bata ako, gustung-gusto kong sinusuklayan at inaayusan ako ng tita Dorothy.  Siya ang nagtitirintas o naghihiniksik sa ulo ko noong bata ako.  Sinimulan niyang suklayin ang buhok ko.

“Alam mo, gustong-gusto noon magkaroon ng anak.  Pero hindi ako pinalad.  Hindi ako nagkaroon ng asawa.” May ngiti sa bawat pagsuklay niya ng buhok ko.

“Pero noong naiwan ka sa amin, nawala ang paghahangad ko para doon.  Itinuring na kitang parang anak ko.  Anak na matagal ko nang hinangad.  Sana okay lang yun sa’yo.”  Tinatago ni Tita Dors ang mukha niya, para hindi ko makitang lumuluha siya.

“Tita…okay lang yun sa akin.  Kayo ni Tita Imee, lolo at lola ang itinuring kong pamilya noong mamatay sina mama at papa.  Nawala man sila, apat ang pumalit.  Dalawa ang naging mommy ko.  Ngumiti siya at hinalikan ang likod ng ulo ko.  “Hmm… hindi na amoy anit!”  Natawa ako.  Malimit daw amoy anit ang buhok ko noong bata ako.  Palagi kasi akong nangangalye, nakikipaghabulan sa labas.  Tinanong niya sa akin kung gusto ko raw itirintas ang buhok ko.  Tumango lang ako.

“Malaki ka na, alam mo na ang tama at mali, pero hindi ko gusto ang rason mo para magpakasal kay Pavlo.  Oo nga at ginagawa mo yun para sa bahay, pero yun ba talaga ang gusto mo?  Marami naman tayong paraan para mabayaran ang pagkakautang mo sa bahay.  Hindi mo kailangang magpakasal.

A Wife for a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon