Una

2 0 0
                                    




BestFriend

Pak! Pak! Pak!  Napatingin sa'kin ang tricycle driver dahil sa patuloy kong paghampas sa binti ko. I will never get used to this! Ilang buwan na simula nung dumating ako dito sa probinsiya ni tatay at ngayon pa lang na hindi pa ko nakaka isang taon, mukhang hindi ko talaga matatagalan ang manirahan dito.

Kumunot ang noo ko nang umiiling na tumigil si manong Dado sa destinasyon ko, siya kasi ang madalas na nasasakyan kong tricycle papunta dito sa kaibigan ko.

"Naku Iza, sa ilang buwan mo dito madalas na kitang maihatid dito, at hindi ka parin sanay sa mga nadadaanan natin" paano ba naman matatayog ang mga halaman na nadadaanan namin, I just raised my brows in my head at agarang nagbayad para wala nang masabi pa.

"Hindi magandang tignan na ang babae ang pumupunta sa iniirog nya" pahabol niya na nagpatigil sakin, anong iniirog?!

Aalma pa sana ako nang humarurot na si manong paalis, what kind of devil told manong that?!

"Oh bat nakabusangot ka riyan?"  Nagulat  akong bumaling sa kaibigan. I sigh.

"Wala, ang dami kasing sinasabi ni manong Dado pag siya ang nagkataong naghahatid sakin dito." Malapit kasi yun kay tatay dahil sa kaniya nagpapagawa ito ng makina ng sasakyan.

Natatawa niya akong hinila na papasok sa bahay nila, malaki ito na classical type ang disenyo. Madalas ako dito dahil hindi ko gusto  ang hangin sa bahay, if you know what I mean.

"Ngayon ba yung uwi ng parents mo, Germany right?"

Nakasalampak na ko sa malambot nilang sofa habang siya'y naglalapag ng ibat ibang meryenda sa maliit na wooden table dito sa sala nila. Abot tainga siyang ngumiti at tumango.

"Amelyh may nagawa ka bang masama sakin? This is too much"

nagtataka kong tinignan ang mga hinain niyang mga pagkain, may chicken pa. Hinampas niya ko at tumawa ng malakas, tignan mo tong babae na to.

"Balew!, dito maglelate lunch si kuya, kasama niya yung mga kaibigan niya, may ginawa kasi silang proyekto sa bayan, ayun biglaan siyang nagpautos."

Napanguso ako at umismid "Your brother is a snob baka maiirita na yun nandito na naman ako, alam niya ba?"

Kumuha ako ng ensaymada na paborito ko, I ate it as I wait for her answer, malinamnam talaga pag maraming asukal at butter!

Umirap siya "Malamang may araw bang hindi ka pumunta dito? Weekend lang ata ang sinasanto mo e" tinabihan niya ako at kumuha rin ng tinapay.

Sa mga araw lang na yun nagsstay si tatay sa bahay, that's why. I shrugged it off.

"Iza hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, nakaraang buwan ko pang tanong sa'yo yun" she looked at me weighing my expression. I looked away at pinagpagan ang mga nahulog na asukal sa binti ko.

Ilang buwan pa lang kami magkakilala but i feel guilty that I don't have the courage to share it to her. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita pero narinig na namin na may nagbukas ng gate.

Unang natagpuan agad ng mata ng kuya niya pagkapasok sa pinto ay ako. I nodded to acknowledge his presence, nakakahiya parin kahit madalas ako rito, with that same reason na palagi akong nandito!.. He looked away at bahagyang nagkunot ang noo. Snob.

He's a third year Agricultural student, I don't know what specific part of it he's taking pero ang alam ko may mga kalupaan sila dito sa Naguilian at may business sila that produces poultry products, tulad sa negosyong inaasikaso ni tatay ngayon.

No Gap Between Us Where stories live. Discover now